BAKBAKANG PACQUIAO – BRADLEY, KASADO NA SA APRIL 12

Kasado na ang ikalawang paghaharap nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley.

Ayon sa promoters na sina Bob Arum at Todd duBoef ng Top Rank at Michael Koncz ng MP Promotions, gaganapin ang Pacquiao-Bradley rematch sa Abril 12, Sabado sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Matatandaang unang nagharap ang dalawa noong Hunyo 2012 kung saan tinalo ng American boxer ang Pinoy via split decision. 2012 din nang talunin ni Juan Manuel Marquez si Pacman.

Naging kontrobersyal man ang pagkapanalo ni Bradley, pinatunayan niya ang lakas nang pabagsakin si Marquez noong Oktubre 2013.

Nakabawi naman ang karera ni Pacman nang magwagi kontra Brandon Rios nitong Nobyembre.

55 wins, 5 losses, 2 draw ang record ni Pacquiao habang undefeated sa 31-0 si Bradley.

Pag-aagawan nila ang WBO welterweight title.

 

Report from Associated Press; Photo from Reuters

NEWS ARTICLE FROM: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Sports

January 27, 2014 @ 10:02 AM