BAGYONG INENG nasa PAR na

ineng-enters-par

Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Ineng” ngayong Martes ng hapon, ayon sa state weather bureau.

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 420 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay ni Ineng ang lakas na 170 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 205 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 20 kph.

Ito na ang ikalawang bagyo ngayong Agosto at pangsiyam ngayong taon.

Wala pang direktang epekto ang bagyo sa bansa ngunit palalakasin nito ang hanging habagat na magdadala ng ulan sa Visayas at Mindanao bukas.

Tinatayang tatama ang bagyo sa Batanes o Calayan sa Biyernes.

 

 

SOURCE:

http://www.philstar.com/bansa/2015/08/18/1489527/ineng-nasa-loob-na-ng-par#sthash.aOEMnwWi.dpuf

August 18, 2015 @ 06:06 PM