BAGYONG ‘CALOY’ NAGING LPA NANG TUMAMA SA KALUPAAN

Naging low pressure area (LPA) na lang si tropical depression Caloy matapos nitong tumama sa kalupaan ng Surigao del Sur ngayong Sabado.

Ayon sa pinakahuling weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ibinababa na ang lahat ng publi storm warning signal.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na asahan pa rin ang bahagya hanggang malakas na ulan sa Leyte, Southern Leyte at Eastern Samar na tatagal ng dalawa hanggang tatlong oras.

Uulanin din ng mahina hanggang bahagyang malakas na ulan sa ilang bahagi ng Bohol, Cebu, Samar, Leyte, Southern Leyte at Eastern Samar.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

March 22, 2014 @ 08:12 PM