BAGSAK NA GRADO, IBINIGAY NG CBCP SA 4 NA TAONG PANUNUNGKULAN NI PNoy

Bagsak na grado ang ibinigay ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa loob ng 4-taong panunungkulan nito.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Public Affairs Chairman at Manila Auxiliary Bishop Brode­rick Pabillo, sa scale na 1-10 kung saan 10 ang pinakamataas, grading 3 lamang ang ibinigay na grado sa Pangulo sa performance nito sa usapin ng ekonomiya, pabahay, land reform at korapsyon.

Paliwanag pa ni Bishop Pabillo, bagama’t tumataas ang growth domestic product ng bansa ay wala pa rin aniyang pagbabago sa kalagayan ng mga mahihirap lalo na ang paglikha ng mga trabaho.

Base aniya sa mga pag-aaral, hindi bumaba sa 7% ang GDP ng bansa bagama’t umaabot sa 12.1 mil­yon ang walang trabaho sa huling bahagi ng taon at 53% o katumbas ng 11.5 milyong pamilyang Pilipino ang kinukonsidera na sila ay mahirap.

 

SOURCE: http://www.abante.com.ph/k2-tags/news/nat/6381/bagsak-na-grado-ibinigay-ng-cbcp-kay-pnoy.html

May 29, 2014 @ 04:28 PM