ARCHBISHOP LUIS CARDINAL TAGLE, DISMAYADO sa LUMALALANG TRAPIKO sa METRO MANILA

binga-dam1

Tamang urban planning regulation at tamang pag-uugali sa kalye ang tugon sa malubhang traffic sa bansa, ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Umamin ang Cardinal na maging siya ay dismayado sa lumalalang traffic sa Metro Manila.

Kaugnay nito, nananawagan si Tagle sa mga responsable sa urban planning na unahin ang pagpaplano at pagsasaayos ng kalye kabilang ang pagkontrol sa pagpapalabas ng mga bagong sasakyan upang mabawasan ang bilang nito sa lansangan.

Umaasa rin si Tagle na kikilos ang gobyerno upang ayusin ang public transport system ng bansa.

 

 

SOURCe:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Metro/Tagle%2C_dismayado_sa_traffic_sa_Metro_Manila.html

August 26, 2015 @ 06:03 PM