ALDUB NATION, GAGAWA ng HISTORY sa PHL ARENA

alden-yayadub-044

Maaga ang na­ging Pasko para sa AlDub Nation dahil sa naging regalo ni Lola Nidora (Wally Bayola) kina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Sa pamamagitan ng mga cupcakes ay binuo nina Alden at Yaya Dub ang mga salitang TAMANG PANAHON.

Binuksan na ni lola ang mahiwagang blue folder­ at ang laman nito ay ang litrato ng kanilang bungalow — ang Philippine Arena, dahil doon magaganap ang Tamang Panahon at imbitado ang buong AlDub Nation para makisaya at maging bahagi sila ng pinakamalaking history-making event ng Eat Bulaga sa ika-36th na taon nito.

Ito ay magaganap sa October 24.

Ang bawat ticket na mabibili ay diretsong pupunta sa pagtulong sa ilang mga eskuwelahan para mapagtayuan ito ng mga AlDub Library.

Isa ito sa tulong na bigay ng Eat Bulaga sa mga kabataan ngayon, lalo na sa mga nasa school na walang mga library.

Pupunuin ito ng mga libro at mga kailangan pang mga computers para mas lalong maengganyo ang mga kabataan na husayan ang kanilang pag-aaral.

Kasama na rin sa naturang celebration ang pagsama-sama, pagkakaisa at pasasalamat ng marami dahil sa suporta na binigay sa Kalyeserye ng Eat Bulaga at sa maraming eskuwelahan na nabigyan na nila ng mga silya sa pamamagitan ng bayanihan at sugod barangay ng All For Juan, Juan For All.

Habang sinusulat namin ito, ang bilihan ng tickets para sa big event na ito ng Eat Bulaga na TicketWorld ay biglang nag-crash dahil sa sunud-sunod na pag-purchase!

Hindi nakakapagtaka na maubos agad ang mga tickets bago pa dumating ang araw ng Lunes!

Available din ang mga tickets sa iba’t ibang malls. Tingnan lang sa Facebook page ng Eat Bulaga para makita ang listahan.

 

 

SOURCE:

http://www.abante.com.ph/ent/other-stories/36387/aldub-gagawa-ng-history-sa-phl-arena-.html

October 19, 2015 @ 01:11 PM