ALAMIN: MGA APEKTADONG LUGAR SA ‘WATER INTERRUPTION’ NG MAYNILAD

mar-and-grace-for-2016

Magkakaroon ng water interruption sa ilang sineserbisyuhan ng Maynilad sa Metro Manila at Cavite sa susunod na linggo. 

Sa panayam ng DZMM, inihayag ni Maynilad Media Relations Officer Grace Laxa na mararanasan ang water interruption mula ala-1:00 ng hapon sa Agosto 10 hanggang alas-10:00 ng gabi sa Agosto 13 gayundin mula ala-1:00 ng hapon sa Agosto 17 hanggang alas-3:00 ng hapon sa Agosto 18. 

Narito ang mga lugar na makararanas ng rotating water supply interruption:

Caloocan
Maynila
Pasay
Makati
Parañaque
Muntinlupa
Las Piñas
Cavite City, Cavite
Bacoor City, Cavite
Imus City, Cavite
Kawit, Cavite
Noveleta, Cavite
Rosario, Cavite

Paliwanag ni Laxa, gagawin ang Maynilad realignment o paglilihis ng malaking linya ng tubig sa Hermosa at Juan Luna St. sa Tondo, Maynila simula Agosto 10. 

Ito anya ay bilang pagbibigay daan sa flood interceptor project ng Department of Public Works and Highways (DPWH). 

Sabi pa ni Laxa, aabutin ng limang araw ang pagsasagawa ng proyekto dahil na rin sa sukat ng ililihis na primary line na pitong talampakan ang diyametro.

Maaari anyang i-check ang kumpletong listahan ng mga apektadong barangay sa kanilang website: www.mayniladwater.com.ph

Dagdag pa ni Laxa, magde-deploy ang Maynilad ng mga water tanker para magdala ng tubig sa mga apektadong lugar.

Gayunman, ngayon pa lang ay pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption.

Pwede rin anyang tumawag sa Maynilad hotline 1626 o mag-text sa kanilang text hotline: 09988641446.

 

 

SOURCe:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/publicservice/Atbp./Ilang_lugar_sa_M._Manila_at_Cavite%2C_may_water_interruption_.htmlmar-and-grace-for-2016

August 6, 2015 @ 11:42 AM