ADOPT-a-TOWN PROGRAM NG MMDA, SUPORTADO NG MGA LUNSOD SA METRO MANILA

Tutulong na ang mga lungsod sa Metro Manila sa mga bayan sa Visayas na sinalanta ng Bagyong Yolanda.

Sa pamamagitan ng Adopt-a-Town Program ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), aampunin ng mga alkalde ang mga lugar na binagyo sa loob ng isang taon.

Narito ang listahan ng mga lungsod at kani-kanilang aarugaing lugar.

Quezon City – Palampon, Tolosa, Sante Fe sa Leyte
Pasig City- Mayorga, Palo, Barotac Viejo at Nuevo; at Dumangas sa Iloilo
Mandaluyong City – Isabel at Tanauan, Leyte
Marikina City – Hernani at Lorente, Eastern Samar
San Juan – Ormoc City at Albuera, Leyte
Taguig City – Gen. McArthur, Guiuan, Salcedo, Mercedes at Quinapondan sa Eastern Samar
Las Pinas City – Julita at Dulag, Leyte
Caloocan City – Abayog, Mc Arthur, La Paz sa Leyte
Malabon City – Bogo, Cebu
Navotas City – Lawaan at Giporlos, Eastern Samar
Valenzuela City – Basey at Marabut sa Western Samar
Paranaque City – Maydolong at Balanginga, Eastern Samar
Pasay City – Barauen, Tabon-Tabon, Dagami sa Leyte
Muntinlipa City – Alang-Alang at Jaro sa Leyte
Manila – Balangkayan at Taft sa Eastern Samar
Makati City – Carigara, Leyte
MMDA – Coron, Palawan at Sulat, Eastern Samar

Binuo ng MMDA ang programa para mapabilis ang pagbangon at pagbalik sa normal ng mga biktima ng bagyo.

Kabilang din sa mga proyekto ang pagpapaayos ng mga nasirang gusali lalo na ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan.

 

SOURCE: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

November 21, 2013 @ 11:30 AM