OPLAN RODY, SUPORTADO ng PUBLIC ATTORNEY’s OFFICE

proxy

Walang pagtutol ang Public Attorney’s Office sa ipinatutupad na Oplan RODY (Rid the Streets of Drinkers and Youth) sa ilang mga siyudad sa Maynila.

Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Acosta, hangga’t hindi nalalabag ang karapatang pantao ng mga mahuhuli ng Oplan RODY, makatutulong ito upang ilayo ang mga kabataan sa krimen.

“‘Yang paghuli sa kanila ay bilang proteksyon din ng mga kabataan natin para hindi sila mabiktima ng mga kriminal,” pahayag ni Acosta.

Basta walang ginagawang corporal o physical punsihment na ginagawa o paglabag sa karapatan, bawal ‘yan,” dagdag pa niya.

Ayon kay Acosta, ang paglabag sa karapatan ng mga kabataan ay nakapaloob sa Republic Act 9344 o Comprehensive Juvenile Justice and Welface System.

Binanggit din ni Acosta na matagal na niyang hinihintay ang ganitong aksyon upang kumilos ang kapulisan.

“‘Yun pala, kailangan pala ng isang Rody Durterte para kumilos ang kapulisan natin ngayon,” aniya.

Sa kabila nito, patuloy pa rin umanong nakamatyag ang PAO kung may nalalabag na karapatang pantao ang mahuhuli sa naturang ordinansa.

“Mi-meeting-in ko lahat ng director at lawyers natin na kaagad paghuli ng pulis sa mga batang lansangang nagkalat, may PAO na magga-guide sa mga pulis kung ano ang human rights ng mga bata,” ayon sa abogada.

Ipinayo niya rin sa mga magulang na unawain ang ganitong aksyon para sa mga kabataan.

“Huwag pong magalit ang mga magulang. Ang punto po dun, ang gusto lang naman ng ating mamamayan ay masolve ang criminality,” sabi ni Acosta.

 

 

SOURCe:

http://news.abs-cbn.com/nation/metro-manila/06/03/16/oplan-rody-suportado-ng-pao

June 3, 2016 @ 03:49 PM