78% NGA MGA PINOY, BILIB KAY PNOY

Aprubado at bilib ang 78% ng mga Pilipino sa performance ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon sa pinabagons survey ng Pulse Asia, halos walo sa bawat sampung Pinoy ang nagsabing sang-ayon sila sa naging pamumuno ni Pangulong Aquino sa huling tatlong buwan.  Samantala, apat na porsyento lamang ang nagsabing hindi sila bilib sa liderato ni Pangulong Aquino at 18% naman ang hindi sigurado sa kanilang opinyon.

Mas mataas ng 11 puntos ang trust at performance rating ngayong ng Pangulo kumpara noong Mayo.  Mas mababa naman ito ng isang punto sa kanyang pinakamataas na rating na 79% noong oktubre 2010.  Isinagawa ang nasabing survey mula Agosto 31 hanggang Setyembre 7 ng kasalukuyang taon.

September 19, 2012 @ 02:41 PM