6 NA SATELLITE PHONES, PLANONG BILHIN NG NDRRMC

Target ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na bumili ng anim na satellite phones para sa regional offices ng Office of the Civil Defense (OCD).

Sinabi ni NDRRMC Spokesman Maj. Reynaldo Balido na malaking bagay ang komunikasyon sa panahon ng kalamidad para mabigyan ng nararapat na tulong ang mga lugar na tinamaan ng sakuna.

Inihayag ni Balido na matapos ang lindol sa Bohol, ilang araw pa ang lumipas bago nalaman ang tunay na nangyari gayundin sa paghagupit ni super typhoon Yolanda.

 

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

March 19, 2014 @ 06:04 PM