6 NA ARAW NA WATER INTERRUPTION NG MAYNILAD, SIMULA NA BUKAS

8727f12649fd2a6867810cc038cfd2af

Simula na bukas, August 10 ang anim na araw na pagkawala ng suplay ng tubig sa iba’t ibang water consumers ng Maynilad Waters sa Metro Manila at Cavite area.

Ayon sa Maynilad, ang water interruptions ay magsisimula sa ganap na ala-1 ng hapon ng Lunes, August 10 hanggang alas-10 ng gabi ng Huwebes, August 13. Gayundin sa ganap na ala-1 ng hapon sa Lunes, August 17 hanggang alas-3 ng hapon ng Martes, August 18.

Sinasabing ang pagkawala ng suplay ng tubig ay bunga ng gagawing flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kahabaan ng Juan Luna St. kanto ng Hermosa St. sa Tondo, Manila.

Ang mga apektado ng water interruptions ay ang bahagi ng Caloocan, Manila, Pasay, Makati, Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas, Bacoor City, Imus City,  Cavite City at bayan ng Kawit, Rosario at Noveleta pawang sa Cavite.

Habang ginagawa ang proyekto ng DPWH ay ititigil naman ng Maynilad ang pagpapatakbo sa 7 foot-tall 2,200mm diameter primary line ng tubig sa nabanggit na mga lugar.

Payo ng Maynilad sa mga nakatira sa nabanggit na mga lugar na mag-ipon na agad ng tubig para may magamit sa panahon ng pagkawala ng suplay.

Handa rin magde-deploy ang Maynilad ng mga water tanker para magdala ng tubig sa mga apektadong lugar.

 

 

SOURCE:

http://www.philstar.com/bansa/2015/08/09/1485911/6-araw-walang-tubig-simula-na-sa-lunes

August 9, 2015 @ 10:15 AM