39 DEGREE CELSIUS NA INIT NG PANAHON, MULING NAITALA NG PAGASA SA TUGUEGARAO

Naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang naranasang pinaka mainit na panahon sa bansa sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa Pagasa, lumaro sa 39 degrees Celsius  ang init ng panahon sa naturang lugar alas-2 ng hapon ng Biyernes, April 25.

Sa kasaysayan ng temperatura sa Pilipinas, ito na umano ang ikatlong insidente ng pinaka mainit na panahon sa bansa.

Sa record, umakyat sa 40.4 degrees Celsius ang init sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong May 11, 2012 at umakyat naman sa 42.2 degrees Celsius ang naitala sa Tuguegarao City noong May 11, 1969.

Ayon pa sa Pagasa, mas mainit na panahon pa ang inaasahang mararanasan sa bansa pagsapit ng buwan ng Mayo.

Kahapon, ang buong bansa ay maulap ang kalangitan na may paminsan minsang ulan laluna sa hapon at gabi.

Maaliwalas naman ang alon sa mga karagatan sa bansa.

 

NEWS ARTICLE FROM: http://www.philstar.com/bansa

April 28, 2014 @ 08:37 AM