P 35M NA PONDO NAKALAAN PARA SA MGA NASALANTA NG SUPER BAGYONG YOLANDA

Naglaan ng karagdang P53 milyon ang pamahalaan bilang karagdagang pondo para sa relief goods sa mga biktima ni super typhoon ‘Yolanda’.

Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., sa media briefing sa Malacanang na nakatuon ang buong puwersa ng gobyerno upang tulungan ang mamamayan na naapektuhan ng bagyong ‘Yolanda’ pati ang evacuation sa mga residente na nasa peligrong lugar.

Sinabi ni Coloma, ang P53.24 milyon ay karagdang pondo lamang na ipinalabas ni Pangulong Benigno Aquino III para sa relief goods dahil na rin sa malawak na saklaw ng naapektuhan ng bagyong ‘Yolanda’.

Iniutos na din ni Health Sec. Enrique Ona sa lahat ng DOH hospitals na kagyat na tugunan ang panga­ngailangang medikal ng mga mamamayang apektado ng kalamidad.

Samantala, patuloy ang pagsubaybay sa mga dam tulad ng Agno at Angat upang maagapan ang inaasahang pag-apaw ng tubig dala ng matinding ulan.

 

NEWS ARTICLE FROM: http://www.philstar.com

November 9, 2013 @ 03:05 AM