3 SA 5 PINOY, VITAMIN D DEFICIENT

Tatlo sa bawat limang pinoy ang mayroong vitamin D deficiency.

Ayon kay Dr. Marilou Renales, direktor ng Philippine College of Occupational Medicine, karamihan sa mga office worker ang hindi na nasisikatan ng araw dahil maagang umaalis ng bahay at kung umuwi naman ay madilim o gabi na.

Batay sa resulta ng voluntary blood testing sa mahigit 300 manggagawa sa Metro Manila, 58-porsyento rito ang kulang sa Vitamin D habang 30-porsyento naman ang hindi sapat ang lebel ng vitamin D sa katawan kabilang na ang ilang doktor.

Naniniwala ang mga eksperto na ang pagtaas ng vitamin D deficiency sa mga Pilipino ay dahil na rin sa lifestyle o paraan ng pamumuhay.

Paliwanag ni Renales, nakukuha ng natural ang vitamin D sa pamamagitan ng pagpapa-araw sa umaga at maaaring maging sanhi ng mga sakit gaya ng cancer, hypertension, cardio-vascular disease at diabetes ang kakulangan nito.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

March 22, 2014 @ 08:25 PM