3 MAJOR DAM sa LUZON, PATULOY na NAGPAPAKAWALA ng TUBIG

binga-dam1

Tatlong dam sa Luzon ang patuloy na nagpapakawala ng tubig kahit nakalabas na ng bansa ang Bagyong “Ineng.”

Sa ulat ng PAGASA hydrometeorology division alas seis ng umaga Miyerkules, naitalang nasa 750.79 metro ang taas ng tubig sa Ambuklao Dam. Malapit na ito sa spilling level na 752 metro kaya bukas pa rin ang isang gate nito.

Tatlong gates naman ang bukas sa Binga Dam dahil nasa 574.41 metro ang taas ng tubig, malapit sa spilling level na 575 metro.

Sa San Roque Dam, kung saan dumidiretso ang pinakakawalang tubig mula sa dam ng Ambuklao at Binga sa Benguet, dalawang gates ang binuksan. Nasa 281.97 metro na ang taas ng tubig dito, lampas sa normal level na 280 metro.

Patuloy ang pagpapakawala ng tubig dahil inaasahan pa rin ang pag-ulan dala ng Habagat.

 

 

SOURCE:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/3_dam_sa_Luzon%2C_patuloy_na_nagpapakawala_ng_tubig.html

August 26, 2015 @ 05:40 PM