3-DAY SCHOOL WEEK, APRUB SA DepEd; ILANG ESKWELAHAN SA CALOOCAN CITY, SASAMPOLAN

Inihayag kahapon ng Department of Education (DepEd) na kung sakali man umanong matutuloy ang planong 3-day school week ay kanila lang itong ipapatupad muna sa ilang eskwelahan sa Caloocan City.

Ayon kay spokes­person DepEd Asec. Tonisito Umali, sinabi nitong may posibilidad ang pagpapatupad at ito ay sa ilan lang pampublikong paaralan sa nabanggit na lungsod.

‚ÄúMay posibilidad na maipatupad ng DepEd pero sa ilan lang na eskwelahan. Iyong tala¬≠gang masyado ng siksikan, si¬≠guro tatlo sa elementary at tatlo sa high school,‚ÄĚ ayon kay Asec. Umali sa panayam ng Abante.

Kasabay nito ay tiniyak naman ni Asec. Umali na hindi umano maaapektuhan ang 25-oras na kinakailangan ng mga estudyante sa loob ng isang linggo kahit pa tatlong beses lang pumasok ang mga bata sa eskwela at makukumpleto din umano ang kanilang 180 school days.

Ayon kay Asec. U­mali, hindi muna ito ipapa­tupad sa buong Metro Manila at sa halip ay sa ilang eskwelahan lang sa Caloocan City muna para masubukan kung magiging epektibo ito.

‚ÄúSa Caloocan City sa ngayon ang nakikita na¬≠ting siksikan ang mga estudyante kaya dito muna natin susubukan,‚ÄĚ ayon sa kalihim.

Matatandaang una na ring sinabi ni DepEd-National Capital Region (NCR) Dir. Luz Al­meda na isa ito sa naki­kita nilang posibleng solusyon sa patuloy na pagdami ng estudyante at kakulangan ng silid-aralan sa Metro Manila taun-taon. At sa sandali umanong ma­ipatupad ito ng DepEd ay hahatiin sa dalawang batch ang mga mag-aaral kung saan may papasok simula Lunes hanggang Miyerkules at Huwebes hanggang Sabado.

 

SOURCE: http://www.abante.com.ph/k2-tags/news/nat/6389/3-day-school-week-posible.html

May 29, 2014 @ 04:10 PM