24 NA KOPONAN SA 2014 FIBA WORLD CUP KUMPLETO NA; FINLAND, BRAZIL, GREECE at TURKEY PASOK SA ‘WILD CARD’

Kompleto na ang bubuo sa 24 teams para sa gagawing 2014 FIBA World Cup of Basketball.

In-award ng FIBA ang wild card spots sa bansang Brazil, Finland, Greece at Turkey.

Bago ang announcement ng wild card entries, nagdesisyon na umatras na lamang ang Germany at China.

Kung maalala, bigong naka-qualify para sa World Cup ang China matapos matalo sa quarterfinal round ng FIBA Asia Championship na ginanap sa Pilipinas noong nakaraang taon.

Samantala, gagawin ang official draw sa FIBA bukas ng madaling araw.

Dito na malalaman kung saan grupo mapapabilang ang Pilipinas at kung sino ang una nilang makakalaban.

Ang 2014 FIBA World Cup of Basketball ay magsisimula sa August 30 hanggang September 14.

Narito ang 24 team na maglalaro sa FIBA World Cup:

 

Spain
USA
Iran
Philippines
Korea
Argentina
Mexico
Puerto Rico
Dominican Republic
France
Lithuania
Croatia
Slovenia
Ukraine
Australia
New Zealand
Angola
Egypt
Senegal
Brazil
Finland
Greece
Turkey

 

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.bomboradyo.com/news/top-stories/item/42947-brazil-finland-greece-at-turkey-wild-card-sa-fiba#sthash.IhpUC5bB.dpuf

February 3, 2014 @ 10:35 AM