2 ‘POPE SAINTS’ GAWING GABAY – POPE FRANCIS

Umaasa si Pope Francis na magsilbing gabay para sa Simbahan at mga tao ang dalawang bagong santo na sina Saint John Paul II at Saint John XXIII.

Sa kaniyang homily sa canonization ceremony, sinabi ni Pope Francis na sana ang dalawang bagong santo ay tagapamagitan para sa Simbahan upang sa dalawang taong paglalakbay para sa Synod, maging bukas ang Catholic Church sa Holy Spirit para sa espiritwal na responsibilidad sa mga pamilya.

Dasal din ni Francis na ituro ng mga bagong santo sa mga tao ang pagyakap sa divine mercy na nagbibigay pag-asa at pagpapatawad dahil sa pagmamahal.

“May these two new saints and shepherds of God’s people intercede for the Church, so that during this two-year journey toward the Synod she may be open to the Holy Spirit in pastoral service to the family. May both of them teach us not to be scandalized by the wounds of Christ and to enter ever more deeply into the mystery of divine mercy, which always hopes and always forgives, because it always loves,” ani Francis.

Tinawag ni Francis si Saint John Paul II na “pope of the family” habang si John XXIII ay “pope of openness to the Spirit.”

Dagdag pa ng Santo Papa, nakiisa umano sina John Paul II at John XXIII sa Espirito Santo sa pag-renew sa Simbahan.

Huwag kalimutan ayon kay Francis na ang mga santo ang nagbibigay direksyon at paglago sa Simbahan.

Sa pagbuo aniya ni John XXIII ng Second Vatican Council, ipinakita nito ang pagiging bukas sa Espirito Santo.

“This is also the image of the Church which the Second Vatican Council set before us. John XXIII and John Paul II cooperated with the Holy Spirit in renewing and updating the Church in keeping with her pristine features, those features which the saints have given her throughout the centuries. Let us not forget that it is the saints who give direction and growth to the Church. In convening the Council, John XXIII showed an exquisite openness to the Holy Spirit. He let himself be led and he was for the Church a pastor, a servant-leader, led by the Spirit. This was his great service to the Church; he was the pope of openness to the Spirit.”

Ayon kay Francis, ang dalawang bagong santo ay hindi nagpatinag sa mga hamon ng 20th century.

Ipinakita raw nina John Paul II at John XXIII na mas makapangyarihan ang paniniwala sa Panginoon.

NEWS ARTICLE FROM: http://bomboradyo.com/news/top-stories/item/56375-pope-francis-2-pope-saints-sana-maging-gabay#sthash.HcKgYxlh.dpuf

April 28, 2014 @ 08:33 AM