2 MIYEMBRO NG ONE DIRECTION, NAGMA-MARIJUANA RAW KASI; ANTI-DRUGS ADVOCATE GROUP, IPINAPATIGIL ANG 1D CONCERT

Nananawagan ang isang anti-drugs advocate group na i-ban ang concert sa Pilipinas ng boyband na One Direction.

Ito’y kasunod ng ulat na gumagamit umano ng marijuana ang dalawa sa miyembro ng iniidolong grupo kung saan kumalat pa sa Internet ang video nito.

Ayon kay Jonathan Morales, founder ng anti-drugs advocate Laban ng Pamilyang Pilipino, napakaraming kabataang Pilipino ang umiidolo sa grupo, ngunit masamang imahe lamang ang ipakikita nito.

Masama anyang idolohin ng mga kabataan ang mga gumagamit ng ilegal na droga dahil baka tularan lamang ito at mawala pa sa tamang direksyon ang kanilang buhay.

Nangangamba si Morales na baka lalong tumindi ang problema sa bansa kontra ilegal na droga kung saan maraming buhay ng kabataan anya ang nawasak.

Nais ng grupo na pagdating pa lamang ng One Direction sa bansa ay i-deport na agad ito ng Bureau of Immigration.

Nakatakda ang 1D concert sa bansa sa susunod na taon.

 

SOURCE: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Entertainment/Concert_ng_One_Direction_sa_bansa%2C_ipinatitigil_ng_anti-drugs_advocate_group.html

June 1, 2014 @ 08:07 PM