P 2.4 BILYON NAWAWALA DAHIL SA TRAPIK

cdbc545a1014f3811c62a7864f45d06b

Ibinandera ni Sen. Bongbong Marcos ang resulta ng pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency na nagsabing aabot sa P2.4 bilyon kada araw ang nasasayang dahil sa tindi ng trapik.

Babala pa ni Marcos na siya ring chairman ng Senate committee on public works, posibleng umabot ito sa P6 bilyon kada araw pagsapit ng 2030.

Giit ng senador, panahon na para tutukan ng pamahalaan ang pagpapatayo ng mga bagong kalsada.

Hamon naman ni Sen. Sonny Angara sa mga pumoporma para sa Halalan 2016, ilatag sa publiko ang kanilang mga plataporma para masolusyunan ang problema sa trapik.

Ayon kay Angara, may kapabayaan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Department of Transportation and Communications (DOTC) kaya lumala ang problema sa trapik.

Samantala, pinapaaral na ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagpapatupad ng odd-even traffic scheme para maibasan ang trapik.

Sa ganitong sistema, salitan ang magiging pagbiyahe ng mga sasakyan kada linggo depende sa numero ng kanilang plaka.

 

SOURCe:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/_P2.4-B%2C_nasasayang_bawat_araw_dahil_sa_trapik.html

August 28, 2015 @ 05:35 PM