11 VIETNAMESE NA NAHULI DAHIL SA ‘ILLEGAL FISHING’ SA PALAWAN, KINASUHAN NA

Kinasuhan na ang 11 Vietnamese na naaresto ng Philippine National Police (PNP) Maritime Special Boat Unit sa Taytay, Palawan.

Dalawang kaso ang kinakaharap ng mga dayuhan kabilang ang illegal entry at poaching.

Matatandaang Marso 30 nang mapaulat ang pagkakaarestosa mga Vietnamese na nakuhaan ng 56 na patay na pating na sa kanilang ginamit na bangka.

Ipinaalam na rin sa pamahalaan ng Vietnam ang pagkakaaresto sa 11 na nasa kustodiya na ng provincial jail.

Hinihintay pa ang magiging tugon ng kanilang gobyerno.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Region

April 1, 2014 @ 09:57 AM