APAT NA HISTORICAL CHURCHES SA BOHOL, DUMAPA SA 7.2 MAGNITUDE NA LINDOL

Apat sa pinakamata­tanda at makasaysayang simbahan na kabilang sa tinatawag na centuries-old churches na kabilang sa heritage sites, at main tourist attractions sa Bohol at Cebu City ang napuruhan nang matindi, dulot ng intensity 7.2 na lindol na yumanig kahapon ng umaga sa Central Visayas.

Ayon sa ulat ng ­Philippine Information Agency (PIA), kabilang sa mga napinsalang simba­han ay ang Our Lady of the Immaculate Conception na kilala bilang Bac­layon Church na 6 kms. ang layo mula sa Tagbilaran City na nakaranas ng intensity 7 na lindol.

Ang nasabing historical church ay pangalawa sa pinakamatandang stone church sa bansa na itinayo noong 1595 ng mga Jesuit priests.

Ang San Agustin Church sa Real St. sa Intramuros ang oldest stone church sa bansa.

Grabe din ang inabot na pinsala ng pamosong Church of San Pedro Apostol sa Loboc na second oldest church sa kasaysayan na muling itinayo noong 1638 matapos na lamunin ng apoy ang dati nitong istraktura.

Sa mga larawan na-post ng netizens, kitang-kita na wasak na wasak at halos gumuho na ang front facade o harapan ng 400-taong simba­han. Bumagsak umano ang tore nito sa kalsada. Malapit ito sa Loboc ­River na kilalang tourist spot ng probinsya.

Halos napulbos ng mga bato ang Our Lady of Light sa Loon, ang pinakamalaking simbahan sa Bohol na itinayo noong 1753.

Samantala, gumuho rin ang bahagi ng Basilica Minore del Sto. Niño sa Cebu City gayundin ang bell tower nito
Sa panig ng Board of Commissioners of the National Commission for Culture and the Arts, labis silang nalungkot sa malawak na pinsala ng lindol, gayunman, sa binuong joint team, tuloy ang koordinasyon at tulungan para sa rescue, at restoration ng mga napinsalang heritage structures.

 

NEWS ARTICLE FROM http://www.abante.com.ph/issue

http://www.abante.com.ph/issue/oct1613/news02.htm#.Ul6oaVBQFrw

October 16, 2013 @ 08:01 AM