PAGBEBENTA NG ORGANS, TISSUES AT BAHAGI NG KATAWAN NG TAO, GAGAWING KRIMEN, TATAPATAN NG 15 TAON HANGGANG HABAMBUHAY NA PAGKAKABILANGGO AT MAY MULTANG P5M ANG SINUMANG LALABAG

Magiging krimen na ang pagbenta ng organs, tissues at parte ng katawan ng tao kung saan 15 taon hanggang habambuhay na pagkakulong at multang aabot ng P5 milyon ang kakaharapin ng sinumang lalabag sa isinusulong na panukalang batas sa Kamara.

Ihinain ni Bohol Rep. Rene Relampagos ang House Bill 3165 bunga ng malakas na demand para sa donor ng human organs, tissues and parts kung saan nagiging negosyo na umano ang human organ trading, partikular dito ang bentahan ng kidney.

“This commodification of human organs, tissues or parts has led to the exploitation of persons living in poverty and uneducated, especially from the developing countries, who would readily sell for easy big money,” ani Relampagos.

Sinabi ng mamba­batas na ipinagbawal na ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2008 ang organ transplantation sa foreign recipients na hindi kaanak ang Filipinong nagdo-donate ng organ subalit hanggang ngayon ay patuloy pa rin ito.

“This is not only socially problematic but is also mo­rally repugnant, a direct affront to human dignity, the right to health and social justice — which are all enshrined in the 1987 Constitution,” diin pa ng kongresista.

Ang panukala ay tatawaging “Anti-Commercial Dealings in Human Organs, Tissues and/or Parts Act”, kung saan kabilang sa ipagbabawal ay ang advertisement ng ibinebenta o bibilhing human organs, tissues at parts.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.abante.com.ph/issue

 

December 18, 2013 @ 07:55 AM