Johnny Mo

Feeds

About Johnny Mo

A FEW YEARS AGO, ISA AKONG SIMPLENG PROBINSYANONG LUMUWAS DITO SA MAYNILA UPANG MAKAPAG-ARAL SA KOLEHIYO.  NGAYON, ISA PA RIN AKONG SIMPLENG PROBINSYANO, PERO DI HAMAK NA MAS GWAPO! NYAHA!

Ipinanganak ako sa tulong ng isang komadrona isang gabi ng Abril.  Dahil nanay ko pa lang ang may trabaho noon, sa katre lang ako iniluwal.  Dinala lang ako sa ospital noong unang beses na nagkasakit ako, pero malaki na ako noon.

Ako ay nagmula sa Calapan City, Oriental Mindoro.  Noong nasa college pa ako, hindi alam ng mga classmates ko kung saan sa Pilipinas ang Oriental Mindoro, akala nila sa Mindanao.  Badtrip di ba? Hindi ko alam kung paano sila pumasa sa Araling Panlipunan.  Teka, ikaw ba alam mo kung saan yun?

Sa probinsya ako lumaki, nagka-isip, nag-aral ng elementary at high school, tinulian, nagkaroon ng unang jowa, naka-first base (kiss) sa unang jowa at marami pang iba.  Mahal na mahal ko ang aking bayang sinilangan.  Tuwing umuuwi ako rito, paborito kong ulam ang tortang dulong, sinaing na tulingan at  ginisang munggo, lahat yan luto ng nanay ko!  Namen!

Nagtapos ako ng kursong AB Broadcast Communication sa University of the East.  Dala ng sipag (paminsan-minsan), dasal (palagi) at tyamba (alam na!), isa akong Cum Laude.  Namen! Palakpakan naman dyan!  Masipag din akong maghanapbuhay kahit noong nasa college pa ako.  Naging English tutor ako ng mga Koreano at naging call center agent din. Pero dati, meron akong tinanggihang trabaho kahit malaki ang sweldo.  Kelangan ko daw kasing tikman kung luto na ang aspalto. Nyaha!

Nagsimula ang aking career sa radyo taong 2009.  Mula pa noon, naging panata ko na ang magbigay ng hindi lang kasiyahan, kundi maging kapaki-pakinabang na balita at impormasyon sa aking mga tagapakinig.   Nakilala ako bilang isang makulit, maingay pero matinong dj.  Oopps! Tabi-tabi po!

December 2010 naman nang unang marinig ang boses ko bilang si Johnny Mo ng 107.5 Win Radio.  Nag-iba man ang pangalan ko, ganun pa rin naman ang aking sinumpaang tungkulin.  Kasiyahan at impormasyon ang aking araw-araw na iniaalay sa aking mga tagapakinig.  Takot ko na lang kay Lord.  Namen!

Mahilig akong mag-Facebook, kaya i-like nyo ang aking FB page.  Hanapin nyo lang si DJ Johnny Mo.  Dahil friendly rin ako, i-add nyo ang aking FB account.  Pero i-announce ko na lang, hindi ko pa nagagawa eh.  Mahilig din akong sumayaw at kumanta, kaya panoorin nyo ang aking live performances dine sa website na ire.

Sige na, next time na lang uli.  Kelangan ko na maghanapbuhay! Namen! Alam na!

Other DJs

555556_10150717088827092_1219960153_n 397505_4665121943309_163632966_n 313775_492374944159229_1048421434_n 562841_457637727593610_1886293373_n